Isang emosyunal na Marian Rivera ang bumungad sa mga tagapanood ng Eat Bulaga ngayon hapon sa segment nitong "Juan for All, All for Juan."

Malayo sa karaniwang bridal shower ang ibinigay ng Eat Bulaga family sa soon-to-be married primetime queen na si Marian.

Bago magsimula ang pagsugod sa bahay ay inalayan ng mga taga-Barangay UP Campus, Quezon City, ng mga pulang rosas si Marian habang nakasakay ito sa tricycle.

Ibinigay naman ng mga kasama niya sa kanyang pagba-Baranggayan na sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros ang isa sa limang regalo nila para sa primetime queen.

Agad itong binuksan ni Marian at nakita ang picture frame na naglalaman ng baby picture nila ni Dingdong.

Aniya, Gusto ko lang mag-thank you kasi hindi pa naman ako masyadong katagalan pa sa Eat Bulaga pero yung pagmamahal at pagtanggap nyo sa akin sobra-sobra.

Para isipan nyo pa ako na mag-bridal shower kahit na napakarami ko nang ginagawa. Alangan namang tanggihan ko ang mga nagmamahal sa akin. Salamat sa effort nyo... sa lahat ng nandito.

Read more from the original source:
Marian Rivera sheds tears of joy at her seventh bridal shower on Eat Bulaga

Related Posts
December 6, 2014 at 10:27 pm by Mr HomeBuilder
Category: Sheds