MAGHANDA PARA sa isang nakakikilabot na Pasko sa pinakahihintay na pagpapatuloy ng Feng Shui- ang landmark film na itinuturing ng madami bilang greatest horror movie ng kasaysayan ng Philippine cinema.

Sa ilalim ng direksyon ng award-winning na direktor na si Chito. S. Roo at sa kanyang panulat kasama si Roy Iglesias, opisyal na entri ng Star Cinema ang Feng Shui sa nalalapit na 40th Metro Manila Film Festival.

Sa pinaka-aabangang ikalawang installment ng multi-million Feng Shui film franchise, pagsasamasamahin ng makasayasayang proyektong ito ang apat sa mga haligi ng horror genre ng lokal na industriya. At ito ay kinabibilangan ng Star Cinema at nina Direk Chito S. Roo, Kris Aquino, at ang kinakatakutang Lotus Feet.

Sa nakaraang dalawampung taon, hindi tumigil ang Star Cinema sa pag-prodyus ng mga di malilimutang blockbuster horror films na umani ng tuloy tuloy na papuri mula sa mga kritiko at mga manonood. Isa sa mga impluwensyal at nangungunang artistic proponents ng malagong horror genre ng industriya ay ang master storyteller na si Direk Chito S. Roo, na siyang mahusay na tumahi ng mga certified modern horror classics gaya ng unang Feng Shui (2004), Sukob (2006), The Healing (2012), at marami pang iba.

Ang Queen of all Media naman na si Kris Aquino ay kinilala din bilang reyna ng horror genre ng Philippine cinema matapos maging unang horror film na matagumpay na nai-breach ang P100M mark sa takilya ang Feng Shui nuong 2004. Nangyari ito nuong panahon ng drama, comedy, love stories ang usong-uso sa big screen. Ang kahusayan ni Kris sa pagganap sa papel ni Joy, ang bida ng pelikula ay nananatiling isa sa pinaka-mahusay na pagganap ng isang aktres sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Bukod sa pagiging bida ng pelikulang ito, co-producedr din si Kris sa pamamagitan ng kanyang production company na Kristina C. Aquino Productions.

Ang paglikha kay Lotus Feet- ang sentral na kontrabida ng Feng Shui ay sobrang epektibo at naging overnight sensation pa ito. Naging household name din siya mula ng tinakot niya ang mga Pilipino nuong 2004. Ngayon, matapos ang sampung taon nananatiling prominenteng pigura si Lotus Feet sa Pinoy pop-culture at gaya ng pelikula kung saan siya ay bahagi, naging isang brand na rin ang kanyang karakter.

Isang dekada na ang nakakalipas nuong nilamon si Joy ng kasakiman at ng kanyang kagustuhang bigyan ang kanyang pamilya ng magandang buhay. Ang hindi alam ni Joy, may kakaibang kapangyarihan na sanhi ng pagiging realidad ng kanyang mga inaasam sa buhay. Hindi namamalayan ni Joy na biktima na siya ng kapangyarihan ng isang lumang bagua na kumukuha ng lakas sa mga materyal na kagustuhan ng mga tao.

Nang maglaon, sinira ni Joy ang bagua upang wakasan ang sumpang taglay nito. Ngunit madidiskubre ni Joy, sampung taon na ang nakalipas, na bago na ang may-ari nito- si Lester.

Mapipilitang magsanib pwersa sina Joy at Lester upang puksain ang mga lagim na dala ng mahiwagang bagua.

Ang multi-awarded na aktor at primetime drama king na si Coco Martin ay ang bagong makakasama ng cast. Gagampanan niya ang papel ni Lester. Minamarkahan ng Feng Shui ang kauna-unahang pagsabak ni Coco sa horror.

Visit link:
Patuloy ang saga ng Feng Shui ngayong Disyembre!

Related Posts
December 17, 2014 at 10:10 am by Mr HomeBuilder
Category: Feng Shui