May nagsasabing ang 2014 daw ay magandang taon para sa pagpapakasal.

Naniniwala ba si Marian Rivera dito?

Natatawang sagot ng Kapuso Primetime Queen, Hindi ko alam!

Pero kung may mga ganyan sa feng shui, tingnan natin."

Sa pagkaalam daw niya, "Ang feng shui ay iga-guide ka lang sa mga dapat at hindi dapat gawin."

Pero ang mahalaga raw kay Marian ay "prinsipyo pa rin ng tao, pagkatao mo pa rin kung paano mo iha-handle ang isang relationship."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa contract signing at press launch niya bilang celebrity endorser ng Sof & mmmmm ng Personal Collection, noong Martes, March 4, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City. READY WHEN SHE CAN. Giit ng press kay Marian, hindi pa rin niya nakikita ang sarili na magpapakasal sa taong ito?

Not so far, but not so near! natatawang sagot nito.

Kung sakali at mag-propose na ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes, handa na ba siya?

Ready? nakangiti niyang sabi. Paano ba sasabihing ready ang isang tao, siguro mararamdaman mo rin yan."

Read the original:
Marian Rivera on marrying Dingdong Dantes: 'Not so far, but not so near'

Related Posts
March 6, 2014 at 1:15 pm by Mr HomeBuilder
Category: Feng Shui