Kinumpirma ni Kris Aquino na magkakaroon ng sequel ang blockbuster horror movie niyang Feng Shui at isa ito sa magiging entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014.

Sabi ni Kris, Kasali din ako sa festival, I think Im also allowed to reveal already.

Balik-tambalan namin ni Direk Chito Roo, ten years after, magbabalik ang Feng Shui Part 2.

Ang pinaka nakakakilig na part diyan, first time naming pagsasama sa movie ni Coco Martin.

Kapag nagkataon, makakabangga ni Kris sa takilya ang kanyang anak na si Bimby dahil kasama naman ito sa sequel ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda, na ilalahok din sa MMFF

Saad ng Kapamilya TV host-actress, Exciting ang festival na ito because hindi ko nga alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko.

Sinabi ko kay Vice, Lagot, pagsu-shooting kayo, nagbabantay ako!

Ayon kay Kris ay excited na gawin ng anak ang Praybeyt Benjamin 2 dahil bukod sa makakasama nito sa Vice sa pelikula ay may action ang tema ng pelikula.

Kuwento niya, Tinanong ko si Bim, sinabi ko Honey, its your choice if you want to do a movie.

Nung nalaman ni Bimb na Praybeyt Benjamin at nalaman niyang sunda-sundalo, soldier-soldier, at sinabi kong 'Your dad there would be a general,' so pumayag siya.

See the original post:
Kris Aquino to compete against son Bimby in Metro Manila Film Festival 2014

Related Posts
May 21, 2014 at 7:08 am by Mr HomeBuilder
Category: Feng Shui