Carmi Martin on her search for a partner: Pinagdaanan ko na yung gumulung-gulong ako, umiyak ako, and everything just to find the right guy.

Papasok na si Carmi Martin bilang kontrabidang si Divine sa 3rd generation ng Luna Blanca.

Makakasama ni Carmi sa third book ng Luna Blanca sina Heart Evangelista at Bianca King na gaganap sa twin title roles.

Kasama rin sa cast sina Christopher de Leon, Mark Herras, at Lani Mercado.

Sa presscon ng Luna Blanca noong Martes ng hapon sa mezzanine ng Imperial Palace Suites, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi.

Ikinagulat daw ni Carmi ang pagpasok sa teleserye dahil wala nang pasakalye pa ang pagiging kontrabida niya.

Sabi niya, Actually, noong binasa ko yung script, sabi ko, Aba! Okey 'to! Hindi man lamang unti-unti? Bad kaagad!

Hindi man lamang nag-isip-isip. Talaga namang doon sa sukdulan kaagad.

Ang ibig sabihin, hindi na kailangang i-workshop pa ang character niya dahil bihasa na siya ganitong mga role.

Visit link:
Carmi Martin on her search for a partner: “Pinagdaanan ko na yung gumulung-gulong ako, umiyak ako, and everything just ...

Related Posts
September 6, 2012 at 2:10 am by Mr HomeBuilder
Category: Interior Decorator