Halatang kabado si Shalala nang humarap sa ilang miyembro ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong March 18 pocket presscon sa Marcos Highway para sa kanyang launching movie. Ito ang Echoserang Frog na ipapalabas na sa April 2. Nakasuot ng bling-bling si Shalala na bilog-bilog at may kuwintas na frog. Ilan daw kasi yun sa mga pinayo sa kanya ng isang feng-shui expert. Sabi kasi, halimbawa sa damit, dapat pala may bilog tayo. Yang relo, pasok yan. Salamin. Tapos yung frog, ako lang to. Pero kung kukuha ka ng frog, dapat daw, yung may kintab. Ano naman daw ang feng shui sa pelikula niya? Ang feng-shui niya, kikita naman daw to. Kikita?! Hahaha! Sabi niya, hindi yan malulugi. Sabi ko, yung totoo? Oo, hindi naman yan malulugi. Kikita yan sa rami ng kaibigan mo. Sa rami ng kaibigan! Hahaha! Wala naman daw ilusyon si Shalala na ang launching movie niya at ang i-peg ay ang mga pelikula ni Vice Ganda na mahigit sa P300 million ang kinikita o ang inabot ng Starting Over Again na naka-P400 million. Wag na, mamamatay yata ako ron, natatawa niyang sabi. Ang na-realize daw ni Shalala ngayong siya na ang bida sa Echoserang Frog, stressful pala ang maging bida sa isang pelikula. Naikumpara pa niya ito sa ibang nagawa na niya tulad sa mga Enteng Kabisote series na support lang siya. Yung sa Enteng, wala lang, hindi naman ako ron. Pero, nagpu-promote. Pero dito, iba. Totoo pala ang nararamdaman ng iba na hindi makatulog. Maling-mali ang cycle ko. Madaling-araw, hindi ako makatulog kung hindi ako iinom ng pampatulog. Tapos, palaging masakit ang tiyan ko, palaging stress. Kailan nagsimula ang hindi niya pagkakatulog? Nang sabihin ni Direk Joven Tan at Noel Ferrer na isu-showing na. Ito kasing Echoserang Frog, three years na ito. Kinukulit nila ko. Sabi ko, ayoko nga! Tapos hanggang sa last year, sabi nila, totoo na to. Binasa ko ang script, natatawa ko sa script. Sabi ko, gusto ko, yung kaibigan na lang ang role ko, ayokong magbida, natatawang sabi niya. Yung karakter na ginagampanan ni Kiray Celis sa Echoserang Frog na lang daw ang hinihingi niyang role. Pero nang tanungin daw siya kung sino ang gusto niyang gumanap bilang best friend nga niya, siya raw mismo ang personal na nagsabing si Kiray ang gusto niyang makasama. Bakit si Kiray? Wala, nakasama ko yung bata, mabait yung bata. Pati yung Nanay at Tatay, napaka-normal na pamilya. At saka, ni-request ko rin dito na dapat nandito si Kuya Germs [German Moreno]. Hindi puwedeng wala si Kuya Germs kasi, parang hindi naman kumpleto ang pelikula kung wala si Kuya Germs. Habang kausap ng ilang entertainment press si Shalala, kahit kinakabahan, natatawa ito at saka naalalang dati raw, siya ang taga-tawag ng press people kapag may presscon. Ngayon daw, siya ang ini-interview. Bukod sa pagiging sidekick ni Kuya Germs sa Master Showman, si Shalala ay naging movie coordinator rin noon bukod pa sa ibang naging trabaho niya sa showbiz hanggang sa maging host siya sa ilang programa ng TV5. Hindi itinatanggi ni Shalala na sa labingwalong taon niya sa showbiz, malaking bahagi nito si Kuya Germs at dito rin siya nabinyagan ng pagiging Shalala. Si Kuya Germs talaga, saad niya. Naiisip niya ba noon ba darating ang isang araw, siya na pala ang bida sa sarili niyang pelikula? Hindi! mabilis niyang sagot. Okay na ko sa Enteng na ako ang hinahabol, pinapatay, masaya na ko r'on. Ayoko talaga sa totoo lang. Ewan ko ba kung ano ang nakain ng dalawang yan. Hindi ba siya natutuwa na naging bida na nga siya? Na-proud ako. Noong makita kong tapos na, sabi ko, may pelikula na ko. Hinihintay ko na lang kailan ang showing. Pero, hindi ko tinatanong, dinededma ko sila. Hanggang sa, oh, Shalala, magsu-showing tayo ng April. Ha? Doon na, hindi na ko nakatulog. Tapos, sinabi pa nila na may presscon. Kaya kahapon, uminom ako ng pampatulog, natatawa niyang sabi. Tinanong namin si Shalala kung saan nanggagaling ang kaba niya. Sa magiging komento ng makakapanood sa pag-arte niya o sa magiging resulta sa takilya? Siguro, mas kinakabahan ako sa box-office. Kasi, gusto kong maibalik ang pinuhunan nila sa akin. Mga sira-ulo kasi, biro niya. Puwede naman yung iba, bakit ako na nananahimik ako. So, yung sa acting, okay lang kasi, part naman nila yun. Kapag sinabi nilang hindi maganda ang acting mo, part nila yun, okay lang. Pero kapag sinabi nilang hindi siya kikita, naku, mahirap, natatawa niyang sabi. Sa March 31 ang premiere night ng pelikula sa Cinema 5 ng Fisher Mall. Maraming celebrity guests na nag-guest sa pelikula ni Shalala tulad nina Wendell Ramos, JC de Vera, Joross Gamboa, Vin Patrimonio, Jaclyn Jose, Lav Diaz, Derek Ramsay at iba pa. Bukod rito, kasama rin sina Angelu de Leon, Marco Alcaraz, Angelo Patrimonio, at Empoy sa pelikula. May mga gusto pa ba siyang imbitahan o gustong dumating sa premiere night? Si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, dapat kasi nag-guest siya rito kaya lang nagka-problema sa schedule. At saka yung Ryan [Agoncillo] and Juday [Judy Ann Santos], nagka-problema rin sila kasi hindi nga pumuwede. Si Iza [Calzado] talaga umoo kaya lang, hindi kami makapunta sa Channel 2. Sa mga komedyante, may gusto ba siyang pumunta at panoorin siya? Siguro si Vice Ganda, si John Lapus, si Allan K, si Joey Paras, yung mga komedyanteng bading na kagaya natin. May mga nagko-komento na ba sa kanyang kapwa niyang komedyante? Wala pa naman, hindi na siguro nila pinapanood ang trailer. Ay, si Ogie Diaz! Si Ogie, sabi niya, nadapa ako! Ano yun? Napatid ako sa nakatayo ritong peste. Hayop ka, may standee ka rito. Sa Trinoma raw. Bwisit ka, nagkakandarapa na kami rito. Tapos sabi niya, in fairness ha, maganda ang itsura mo. At ang pihit niya, suportahan kita riyan kapatid, yun lang, masaya niyang sabi. Dugtong pa niya, Si Amy Perez, kinuwento raw ng anak niya. I saw the poster of Shalala. Tapos tinext niya ko na, 'Im proud of you Mare.' Bilang isang talk show host, madalas siyang mang-intriga at magbigay ng mga blind items. Hindi ba niya nararamdaman na may ilang artistang baka pine-personal siya? Hindi naman din siguro, trabaho lang at saka yung akin, ginagawa kong light. Masaya lang din. At saka niya naalala ang eksena nila ni Jaclyn sa pelikula. Aniya, Noong kinuwento ni Direk Joven na maggi-guest si Jaclyn pero, parang nagse-second thought pa. Sabi ko, Direk, nati-tense ako. Kung hindi siya pupunta, okay lang. Kung pupunta, okay rin. Pero, noong sinabi niya na okay si Jaclyn, maaga siya. Binabasa ko ang script at yung script namin, saulado ko. Noong dumating siya, sa eksena, 'Day, nawala ako. Umpisa pa lang, nakakalimutan ko ang linya ko. Tapos sabi niya sa akin sa scene, 'Sige ha, nag-guest ako rito, pero, alam mo naman, huwag mo ng i-blind-item si Andi [Eigenmann],' natatawa niyang kuwento. Ano naman ang naging sagot niya sa eksena? Opo, sabi ko, natatawa pa rin niyang sabi. Na-touch din daw siya nang mag-guest sina Wendell at Derek. Sabi niya, Si Wendell, sabi niya, love kita. Isang tawag lang sa akin ni Direk, okay na yun. Tapos si Derek, pinapantasya ko kasi yun. Tawa naman ito ng tawa nang sabihin namin na ganap na siyang movie star ngayon. Dyusko 'Day, movie coordinator pa rin! natatawa pa rin niyang sabi. Kung kikita ng malaki ang Echoserang Frog, gagawa ba siyang muli? After three years na lang ulit, natatawa niyang sabi. Nakaka-stress, Dyusko po! At saka nito sinabing, Movie Star? Parang mahirap ipasok sa utak ko. Alam niyo kung bakit? Lakwatsera ko. Nagdi-Divisoria ko. Nagki-Quiapo ako. Pinagkakaguluhan ba siya sa mga ganoong lugar? Oo, alam niyo, tinatawag na nila kong Echoserang Frog. May kasama kong kaibigan, sa Isetann nagpunta kami. Sabi ko, daanan nga natin to. Dati dito ko nagpupunta. Tapos yun, may sumisigaw. Sa SM North Edsa, sa Fisher Mall. So, sabi ko, ay, made na ang pelikula. Sana maging made rin ako, tawa ng tawa niyang kuwento. Masaya naman si Shalala ngayon dahil may mini-grocery na siya sa lugar nila sa Banawe bukod pa sa nabigyan daw niya ng bahay ang mga kapatid. Nagpagawa raw siya ng limang floor para sa mga kapatid at may ga-graduate na rin siyang dalawang pamangkin sa College ngayong graduation. Sa pagiging movie star ba niya nagawa ang lahat ng ito? Siguro sa tulong din ng GMA at TV5, malaking tulong din sa akin. Sa huli, tinanong namin siya kung echosera ba siya sa totoong buhay? Hindi, echosera lang akong lukaret. Pero hindi, hindi ako ganun. Ang echosera kasi, parang nag-o-OPM [Oh, Promise Me] ka, nagsasabi ka na ganito ka, ganyan ka. Dito lang sa pelikula. Kasi, inetchos ko yung mga artista, mga P.D., kaya echoserang frog. Gaano kalapit sa kanya ang pelikula niya? Dati hinihiwalay ko ang sarili ko. Yung nandiyan ka, tapos ka na. Pero ngayong palapit na, parang gusto ko siyang yakapin. Hinihingi ko nga ang tarpaulin na malaki. Hinihingi ko nga yung standee. Bakit dapat panoorin ng mga tao ang Echoserang Frog? Siguro kasi, ito ang pelikulang wala lang, light lang siya. Nakakatawa siya from start to finish. May konti kaming iyakan dito ni Kiray. Pero, yung movie, nakakatawa siya. Sabi ko nga sa mga friends ko, masaya lang itong pelikulang ito. Habang isinusulat nga raw ni Direk Joven ang script, natatawa siya. At noong sinusulat daw niya, ang nasa isip niya, ako raw. Pero, noong binasa ko na, ang pinili ko, yung kaibigan.

View original post here:
[Movies] Shalala will star in his launching movie Echoserang Frog after 18 years in showbiz

Related Posts
March 23, 2014 at 11:20 am by Mr HomeBuilder
Category: Feng Shui